Unang Panguluhan Tingnan din sa Paghahayag; Pangulo; Susi ng Pagkasaserdote, Mga Ang Pangulo ng Simbahan at ang kanyang mga Tagapayo. Sila ay isang korum ng tatlong mataas na saserdote at namumuno sa buong Simbahan. Hinahawakan ng Unang Panguluhan ang lahat ng susi ng pagkasaserdote. Ang mga susi ng kaharian ay lagi nang nasa Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote, D at T 81:2. May karapatan ang Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote na gumanap sa lahat ng katungkulan, D at T 107:9, 22. Kung sinuman ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang Unang Panguluhan, D at T 112:20, 30. Ang Unang Panguluhan ay tatanggap ng mga orakulo (mga paghahayag) para sa buong Simbahan, D at T 124:126.