Diborsiyo
Ang pagwawalang-bisa sa kasal sa pamamagitan ng kapangyarihan na pambayan o batas ng simbahan. Ayon sa Bagong Tipan, pinahintulutan ng Diyos ang diborsiyo sa ilang pagkakataon dahil sa katigasan ng mga puso ng tao; gayunman, tulad ng ipinaliwanag ni Jesus, “sa simula ay hindi gayon” (Mat. 19:3–12). Pangkalahatang nagpapayo ang mga banal na kasulatan laban sa diborsiyo at pinapayuhan ang mga mag-asawa na mahalin ang isa’t isa sa kabutihan (1 Cor. 7:10–12; D at T 42:22).