Ang kaharian ng Diyos sa mundo ay Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (D at T 65). Ang layunin ng Simbahan ay ihanda ang mga kasapi nito na mabuhay magpasawalang hanggan sa kahariang selestiyal o kaharian ng langit. Gayunman, tinatawag minsan ng mga banal na kasulatan ang Simbahan na kaharian ng langit, nangangahulugan na ang Simbahan ang kaharian ng langit sa mundo.
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang kaharian ng Diyos sa mundo, subalit sa kasalukuyan ay hanggang kahariang pansimbahan pa lamang. Sa Milenyo, ang kaharian ng Diyos ay kapwa magiging pulitikal at pansimbahan.