Pagkaunawa Tingnan din sa Kaalaman; Karunungan; Katotohanan Makatamo ng kaalaman o maunawaan ang kahulugan ng ilang katotohanan, kasama ang pagsasagawa nito sa buhay. Huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan, Kaw. 3:5. Sa lahat mong kukunin kunin mo ang unawa, Kaw. 4:7. Nangusap si Jesus sa mga talinghaga at hindi naunawaan ng ilan, Mat. 13:12–17. Binuksan ng Panginoon ang kanilang pag-iisip, Lu. 24:45. Kung hindi ninyo naunawaan ang mga salitang ito, iyan ay dahil hindi kayo humihingi, 2 Ne. 32:4 (3 Ne. 17:3). Pinangalagaan ang mga talaan upang ating mabasa at maunawaan, Mos. 1:2–5. Dahil sa kanilang kawalang-paniniwala, hindi nila naunawaan ang salita ng Diyos, Mos. 26:3. Sila’y mga lalaking may malinaw na pang-unawa, Alma 17:2–3. Nagsisimulang liwanagin ng salita ang aking pang-unawa, Alma 32:28. Tayo’y mangatwiranan upang inyong maunawaan, D at T 50:10–12, 19–23. Dapat turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na makaunawa, D at T 68:25. Ang mga gawain at himala ng Diyos ay maaari lamang maunawaan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, D at T 76:114–116. Hinahangad ni Satanas na ilayo ang puso ng mga tao sa pagkaunawa, D at T 78:10. Ang Liwanag ni Cristo ang nagpapabilis ng ating mga pang-unawa, D at T 88:11.