Ang mga hiwaga ng Diyos ay mga espirituwal na katotohanang nalalaman lamang sa pamamagitan ng paghahayag. Ipinahahayag ng Diyos ang kanyang mga hiwaga sa mga yaong sumusunod sa ebanghelyo. Ang ilan sa mga hiwaga ng Diyos ay ipahahayag pa lamang.
Sa inyo’y ipinagkaloob ang makaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, Mat. 13:11 .
Kung malaman ko ang lahat ng hiwaga at ako’y walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan, 1 Cor. 13:2 .
Si Nephi ay may malaking kaalaman sa mga hiwaga ng Diyos, 1Â Ne. 1:1 .
Ibinigay sa marami ang malaman ang mga hiwaga ng Diyos, Alma 12:9 .
Sa kanya ay ipagkakaloob na malaman ang mga hiwaga ng Diyos, Alma 26:22 .
Ang mga hiwagang ito ay hindi pa ganap na ipinaalam sa akin, Alma 37:11 .
Maraming hiwaga na walang sinuman ang nakaaalam maliban sa Diyos lamang, Alma 40:3 .
Kaydakila ng mga hiwaga ng Diyos, D at T 19:10 .
Kung kayo ay hihingi, kayo ay makatatanggap ng mga paghahayag at inyong malalaman ang mga hiwaga ng kaharian, D at T 42:61, 65 (1 Cor. 2:7, 11–14 ).
Siya na sumusunod sa mga kautusan ay bibigyan ng mga hiwaga ng kaharian, D at T 63:23 .
Sa kanila aking ipahahayag ang lahat ng hiwaga, D at T 76:7 .
Ang nakatataas na pagkasaserdote ang humahawak ng susi ng mga hiwaga, D at T 84:19 .
Sa kanyang pagparito ipahahayag ng Panginoon ang mga nakatagong bagay na walang sinuman ang nakaaalam, D at T 101:32–33 .
Ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ay pagkakaroon ng pribilehiyong makatanggap ng mga hiwaga ng kaharian, D at T 107:19 .