Getsemani
Isang halamanan na isinasaad sa Bagong Tipan na malapit sa Bundok ng mga Olibo. Sa Aramic, ang ibig sabihin ng salitang getsemani ay “giikan ng olibo”. Nagtungo si Jesus sa halamanan noong gabing ipagkanulo siya ni Judas. Doon siya nanalangin at nagdusa sa Getsemani para sa mga kasalanan ng sangkatauhan (Mat. 26:36, 39; Mar. 14:32; Juan 18:1; Alma 21:9; D at T 19:15–19)