Mangasiwa
Ang isagawa ang gawain ng Panginoon sa mundo. Ang mga napiling tagapaglingkod ng Panginoon ay nararapat na matawag ng Diyos upang makapangasiwa sa kanyang gawain. Kapag ang mga tunay na tagapangasiwa ng Panginoon ay ginawa ang kanyang kalooban, sila’y kumakatawan sa Panginoon sa kanilang mga opisyal na tungkulin at kumikilos bilang kanyang mga kinatawan (D at T 64:29), sa gayon pinamumunuan nila ang kinakailangang gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang Panginoon ay nagbigay ng mga Apostol, propeta, mangangaral, mataas na saserdote, pitumpu, elder, obispo, saserdote, guro, diyakono, tulong, at pamahalaan para sa ikagaganap ng mga Banal, para sa gawain ng ministeryo (Ef. 4:11–16; 1 Cor. 12:12–28; D at T 20; 107).