Mga Tulong sa Pag-aaral
Issachar


Issachar

Ang anak nina Jacob at Lea sa Lumang Tipan (Gen. 30:17–18; 35:23; 46:13). Ang kanyang mga inapo ay naging isa sa mga lipi ni Israel.

Ang lipi ni Issachar

Matatagpuan ang pagbabasbas ni Jacob kay Issachar sa Gen. 49:14–15. Matapos manirahan sa Canaan, nakatanggap ang lipi ng ilan sa pinakamayamang lupa ng Palestina, kasama ang kapatagan ng Esdraelon. Sa loob ng mga hangganan ni Issachar ay ilang mahahalagang pook sa kasaysayan ng mga Judio, halimbawa, Carmelo, Megiddo, Dotan, Gilboa, Izreel, Tabor, at Nazaret (Jos. 19:17–23).