Canaan, Canaanita
Noong panahon ng Lumang Tipan, ang pang-apat na anak ni Ham (Gen. 9:22; 10:1, 6) at apo ni Noe. Ang salitang Canaanita ay tumutukoy sa sinumang nagbuhat sa lupaing unang pinanirahan ni Canaan at gayon din ng kanyang mga inapo. Ang Canaanita ang pangalang itinawag din sa mga taong naninirahan sa kapatagan sa may dalampasigan ng Mediterenean ng Palestina. Paminsan-minsan ang pangalang ito ay ginagamit upang ilarawan ang mga di-Israelita na naninirahan sa bayan sa may kanluran ng Jordan, na tinatawag ng mga Griyegong taga-Phoenicia.