Kaparusahan, Parurusahan Tingnan din sa Hatol, Paghatol; Paghuhukom, Ang Huling Ang maghatol o mahatulang may-sala ng Diyos. Parurusahan ng Diyos ang isang taong may masasamang katha, Kaw. 12:2. Pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanlibutan, 1 Cor. 11:32. Isusumpa tayo ng ating mga salita, gawa, at isip, Alma 12:14. Sa pag-alam ng mga bagay at hindi paggawa ng mga yaon, ang mga tao ay napasasailalim sa kaparusahan, Hel. 14:19. Kung tayo’y titigil sa pagpapagal, tayo ay madadala sa ilalim ng sumpa, Moro. 9:6. Siya na hindi nagpapatawad sa kanyang kapatid ay hahatulan sa harap ng Panginoon, D at T 64:9. Siya na nagkasala laban sa mas dakilang liwanag ay tatanggap ng mas malaking kaparusahan, D at T 82:3. Ang buong Simbahan ay napasailalim ng kaparusahan hangga’t hindi sila nagsisisi at inaalaala ang Aklat ni Mormon, D at T 84:54–57.