Gawaing Pangmisyonero Tingnan din sa Ebanghelyo; Mangaral Ang pagbahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng salita at ng halimbawa. Anong ganda sa mga bundok ang mga paa niya na naglalathala ng kaligtasan, Is. 52:7. Aking kapwa sisiyasatin ang aking tupa at hahanapin sila, Ez. 34:11. Ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng kinapal, Mar. 16:15 (Morm. 9:22). Ang mga bukid ay puti na at handa nang anihin, Juan 4:35. At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga isinugo, Rom. 10:15. Turuan sila ng salita ng Diyos nang buong pagsusumigasig, Jac. 1:19. Ang Panginoon ay nagtutulot sa lahat ng bansa na ituro ang kanyang salita, Alma 29:8. Ang ebanghelyo ay maihayag ng mahihina at ng pangkaraniwan, D at T 1:23. Isang kagila-gilalas na gawain ang malapit nang maganap, D at T 4:1. Kung kayo ay gagawa nang buo ninyong panahon at magdala ng isang kaluluwa sa akin, anong laki ang inyong kagalakan, D at T 18:15. Ang aking mga hinirang ay naririnig ang aking tinig at hindi pinatigas ang kanilang mga puso, D at T 29:7. Hahayo at mangangaral ng aking ebanghelyo, nang dala-dalawa, D at T 42:6. Ang tunog ay kinakailangang humayo mula sa lugar na ito, D at T 58:64. Buksan ang inyong mga bibig sa pagpapahayag ng aking ebanghelyo, D at T 71:1. Ipinahahayag ang katotohanan alinsunod sa mga paghahayag at kautusan, D at T 75:4. Bawat tao na nabigyan ng babala ay dapat balaan ang kanyang kapwa, D at T 88:81 (D at T 38:40–41). Ang Panginoon ay tutustos para sa mga mag-anak ng mga yaong nangangaral ng ebanghelyo, D at T 118:3. Ang mga tagapaglingkod ng Diyos ay hahayo, D at T 133:38. Ang matatapat na elder, kapag sila ay lumisan sa buhay na ito, ay ipagpapatuloy ang kanilang mga gawa, D at T 138:57.