Eliseo
Isang propeta sa Lumang Tipan ng Hilagang Kaharian ng Israel at isang maaasahang tagapayo ng ilang hari ng bansang yaon.
May mahinahon at magiliw na ugali si Eliseo, wala ang gayong maalab na pagsusumigasig, kung saan kilala ang kanyang panginoong si Elijah. Ang kanyang mga tanyag na himala (2 Hari 2–5; 8) ay nagpapatotoo na tunay niyang natanggap ang kapangyarihan ni Elijah nang humalili siya kay Elijah bilang propeta (2 Hari 2:9–12). Halimbawa, pinabuti niya ang mga tubig ng isang mapait na bukal, hinati ang mga tubig ng Ilog Jordan, pinarami ang langis ng balo, pinabangon ang isang batang lalaki mula sa patay, pinagaling ang isang lalaking ketongin, pinapangyaring lumutang ang isang bakal na palakol, at niligalig ang mga taga-Siria ng pagkabulag (2 Hari 2–6). Tumagal ang kanyang paglilingkod nang higit sa 50 taon sa panahon ng mga paghahari nina Joram, Jehu, Jehoahaz, at Joas.