Kordero ng Diyos Tingnan din sa Bayad-sala, Pagbabayad-sala; Jesucristo; Paskua Isang pangalan ng Tagapagligtas na tumutukoy kay Jesus bilang pangsakripisyo na inialay alang-alang sa atin. Siya ay dinalang gaya ng isang kordero sa katayan, Is. 53:7 (Mos. 14:7). Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, Juan 1:29 (Alma 7:14). Kayo ay tinubos ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa korderong walang dungis, 1 Ped. 1:18–20. Karapat-dapat ang Korderong pinatay, Apoc. 5:12. Kanilang dinaig si Satanas dahil sa dugo ng Kordero, Apoc. 12:11. Ang mga ito ay ginawang puti sa pamamagitan ng dugo ng Kordero dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya, 1 Ne. 12:11. Ang Kordero ng Diyos ang Anak ng Amang Walang Hanggan, at ang Tagapagligtas ng sanlibutan, 1 Ne. 13:40 (1 Ne. 11:21). Magsumamo nang buong taimtim sa Ama sa pangalan ni Jesus, na baka sakaling kayo ay malinis sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, Morm. 9:6 (Apoc. 7:14; Alma 34:36). Ang Anak ng Tao ang Korderong pinatay mula pa sa pagkakatatag ng daigdig, Moi. 7:47.