Milenyo Tingnan din sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo; Impiyerno Ang isanlibong taon ng kapayapaan na magsisimula kapag pumarito si Cristo upang maghari sa mundo (S ng P 1:10). Ang mga tao ay hindi magtataas ng espada, ni mag-aaral ng pakikipagdigma, Is. 2:4 (2 Ne. 12:4; Mi. 4:3). Ang lupaing ito na sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden, Ez. 36:35. Sila ay nangabuhay at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isanlibong taon, Apoc. 20:4. Dahil sa kabutihan, si Satanas ay mawawalan ng kapangyarihan, 1 Ne. 22:26. Ako ay mananahanan sa kabutihan sa mundo ng isanlibong taon, D at T 29:11. Kapag natapos na ang yaong isanlibong taon, aking hahayaan ang mundo sa sandaling panahon lamang, D at T 29:22. Ang dakilang Milenyo ay darating, D at T 43:30. Ang mga anak ng kabutihan ay lalaking walang kasalanan, D at T 45:58. Ang mga bata ay lalaki hanggang tumanda; ang tao ay mababago sa isang kisap-mata, D at T 63:51. Sa simula ng ikapitong libong taon, pababanalin ng Panginoon ang mundo, D at T 77:12. Sila ay hindi muling mabubuhay hanggang sa ang isanlibong taon ay matapos, D at T 88:101. Si Satanas ay magagapos sa loob ng isanlibong taon, D at T 88:110. Inilarawan ang Milenyo, D at T 101:23–34. Sa loob ng isanlibong taon ang mundo ay mamamahinga, Moi. 7:64.