Ang pamamaraan ng pagiging malaya mula sa kasalanan, pagiging dalisay, malinis, at banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo (Moi. 6:59–60 ).
Sa pagkakahirang sa inyo ng Diyos sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng Espiritu, 2Â Tes. 2:13 .
Tayo’y ginawang banal sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Jesus, Heb. 10:10 .
Nagdusa si Jesus upang gawing banal sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo ang bayan, Heb. 13:12 .
Pinabanal ang matataas na saserdote at pinaputi ang kanilang mga kasuotan sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, Alma 13:10–12 .
Dumarating ang pagpapabanal sa kanila na ipinagkakaloob ang kanilang mga puso sa Diyos, Hel. 3:33–35 .
Magsisi upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap ng Espiritu Santo, 3Â Ne. 27:20 .
Ang pagpapabanal sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo ay makatarungan at totoo, D at T 20:31 .
Pumarito si Jesus upang pabanalin ang sanlibutan, D at T 76:41 .
Pabanalin ang inyong sarili upang ang inyong mga isipan ay maituon sa Diyos, D at T 88:68 .