Mangaral Tingnan din sa Ebanghelyo; Gawaing Pangmisyonero Ang magbigay ng isang mensahe na maglalaan ng mas mabuting pang-unawa tungkol sa isang alituntunin ng ebanghelyo o doktrina. Pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa maaamo, Is. 61:1 (Lu. 4:16–21). Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, at mangaral dito, Jon. 3:2–10. Mula noon ay nagsimulang mangaral si Jesus, Mat. 4:17. Magsiyaon kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng kinapal, Mar. 16:15. Aming ipinangangaral ang Cristo na ipinako sa krus, 1 Cor. 1:22–24. Yumaon siya at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, 1 Ped. 3:19. Wala nang ibang bagay maliban sa pangangaral at patuloy na pinupukaw sila upang manatili sila sa pagkatakot sa Panginoon, Enos 1:23. Siya ay nag-utos sa kanila na wala silang dapat ipangaral maliban sa pagsisisi at pananampalataya sa Panginoon, Mos. 18:20. Ang pangangaral ng salita ay may lakas na umakay sa mga tao na gawin ang matwid, Alma 31:5. Hindi mo dapat akalain na ikaw ay tinawag na mangaral hanggang sa ikaw ay tawagin, D at T 11:15. Hindi ibibigay sa sinuman na humayo at mangaral maliban na siya ay inordenan, D at T 42:11. Ang ebanghelyong ito ay ipangangaral sa lahat ng bansa, D at T 133:37. Sinimulang ipangaral ang ebanghelyo mula sa simula, Moi. 5:58.