Isang bagay na hindi espirituwal; tiyakang magagamit ang salita upang ipakahulugan ang pagiging may kamatayan at temporal (D at T 67:10 ) o pagiging makalupa, makalaman, at mahalay (Mos. 16:10–12 ).
Ang maging mahalay sa kaisipan ay kamatayan, 2Â Ne. 9:39 .
Dahan-dahang inaakay palayo ng diyablo ang mga tao tungo sa makamundong katiwasayan, 2Â Ne. 28:21 .
Nakita nila ang sarili sa kanilang makamundong kalagayan, Mos. 4:2 .
Siya na nagpupumilit sa kanyang sariling likas na kamunduhan ay nananatili sa kanyang pagkahulog na kalagayan, Mos. 16:5 .
Kinakailangang isilang na muli sa Diyos ang lahat, magbago mula sa kanilang makamundo at pagkahulog na kalagayan, Mos. 27:25 .
Ang sangkatauhan ay naging makamundo, makalaman, at mala-diyablo, Alma 42:10 .
Yaong mga sumusunod sa sarili nilang kagustuhan at makamundong nasain ay tiyak na babagsak, D at T 3:4 .
Hindi makikita ng taong may mahalay na pag-iisip ang Diyos, D at T 67:10–12 .