Kalayaang Mamili Tingnan din sa Malaya, Kalayaan; Mananagot, Pananagutan, May Pananagutan Ang kakayahan at pribilehiyong ibinibigay ng Diyos sa mga tao upang mamili at kumilos para sa kanilang sarili. Sa lahat ng punungkahoy ay malaya kang makakakain, Gen. 2:16. Ang tao ay hindi makakikilos para sa kanyang sarili maliban sa siya ay nahikayat, 2 Ne. 2:15–16. Ang mga tao ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan o pagkabihag at kamatayan, 2 Ne. 2:27. Kayo ay malaya; kayo ay pinahintulutang kumilos para sa inyong sarili, Hel. 14:30. Ikatlong bahagi ng hukbo ng langit ay nailayo niya dahil sa kanilang kalayaang pumili, D at T 29:36. Kinakailangan na ang diyablo ay tuksuhin ang mga tao, o hindi sila maaaring maging mga kinatawan, D at T 29:39. Hayaang ang bawat tao ay pumili para sa kanyang sarili, D at T 37:4. Ang bawat tao ay makakikilos alinsunod sa moral na kalayaang mamili na ibinigay ko sa kanya, D at T 101:78. Hinangad wasakin ni Satanas ang kalayaang mamili ng tao, Moi. 4:3. Ibinigay ng Panginoon sa tao ang kanyang kalayaang mamili, Moi. 7:32.