Apoy Tingnan din sa Espiritu Santo; Impiyerno; Mundo—Paglilinis ng mundo; Pagbibinyag, Binyagan Isang sagisag ng paglilinis, pagdadalisay, o pagpapabanal. Ginagamit din ang apoy bilang isang sagisag ng pakikipagharap ng Diyos. Ang iyong Diyos ay isang apoy na tumutupok, Deut. 4:24. Ginawa ng Panginoon ang kanyang mga tagapaglingkod na nag-aalab na apoy, Awit 104:4. Dadalawin sila ng Panginoon ng mga Hukbo sa pamamagitan ng alab ng nagniningas na apoy, Is. 29:6 (2 Ne. 27:2). Paparito ang Panginoon na may apoy, Is. 66:15. Siya ay katulad ng apoy ng isang maglalantay, Mal. 3:2 (3 Ne. 24:2; D at T 128:24). Bibinyagan ka niya ng Espiritu Santo at ng apoy, Mat. 3:11 (Lu. 3:16). Pangangalagaan ang mabubuti sa pamamagitan ng apoy, 1 Ne. 22:17. Lilipulin ang masasama sa pamamagitan ng apoy, 2 Ne. 30:10. Ipinaliwanag ni Nephi kung paano natin matatanggap ang pagbibinyag ng apoy at ng Espiritu Santo, 2 Ne. 31:13–14 (3 Ne. 9:20; 12:1; 19:13; Eter 12:14; D at T 33:11). Iyong ipahahayag ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbibinyag, at sa pamamagitan ng apoy, D at T 19:31. Ang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan ay pababagsakin sa pamamagitan ng mapanupok na apoy, D at T 29:21. Ang mundo ay papanaw maging sa pamamagitan ng apoy, D at T 43:32. Ang pagharap ng Panginoon ay magiging tulad ng pantunaw na apoy, D at T 133:41. Nabinyagan si Adan ng apoy at ng Espiritu Santo, Moi. 6:66.