Isinilang
Ang ipanganak. Ang magsilang ay manganak, ang tumulong sa paglikha, o ang maging tao. Sa mga banal na kasulatan, kadalasang ginagamit ang mga salitang ito upang ipakahulugan ang pagiging isinilang sa Diyos. Bagaman si Jesucristo ang tanging anak na isinilang sa Ama sa buhay na ito, ang lahat ng tao ay maaaring espirituwal na isilang kay Cristo sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanya, pagsunod sa kanyang mga kautusan, at pagiging bagong tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.