Mga Tulong sa Pag-aaral
Noe, Patriyarka sa Biblia


Noe, Patriyarka sa Biblia

Sa Lumang Tipan, ang anak ni Lamec at ang ikasampung patriyarka mula kay Adan (Gen. 5:29–32). Nagpatotoo siya tungkol kay Cristo at nangaral ng pagsisisi sa masasamang salinlahi. Nang tanggihan ng mga tao ang kanyang mensahe, inutusan siya ng Diyos na gumawa ng arka upang panahanan ng kanyang mag-anak at ng lahat ng hayop kapag ang mundo ay binaha upang wasakin ang masasama (Gen. 6:13–22; Moi. 8:16–30). Itinuro ni propetang Joseph Smith na si Noe ang anghel na si Gabriel at tumatayong kasunod ni Adan sa paghawak ng mga susi ng kaligtasan.