Mga Tulong sa Pag-aaral
Kaluluwa


Kaluluwa

Sa mga banal na kasulatan tumutukoy ang mga kaluluwa sa tatlong bagay: (1) mga espiritung nilalang, kapwa bago isilang at pagkamatay (Alma 40:11–14; Abr. 3:23); (2) ang pinagsamang espiritu at katawan sa buhay na ito (Abr. 5:7); at (3) isang taong walang kamatayan at nabuhay na mag-uli na ang espiritu at ang katawan ay hindi mapaghihiwalay (Alma 40:23; D at T 88:15–16).

Kahalagahan ng mga kaluluwa

Ang lahat ng tao ay espiritung anak ng Diyos. Mahal niya ang bawat anak niya at mahalaga ang turing sa bawat isa. Sapagkat sila ay kanyang mga anak, may kakayahan silang maging katulad niya. Samakatwid, sila ay napakahalaga.