Tahanan Tingnan din sa Mag-anak Nararapat na ang tahanan ang maging sentro ng ebanghelyo at ng mga gawain ng mag-anak. Nararapat na maging malaya ang isang lalaki sa tahanan upang paligayahin ang kanyang asawa, Deut. 24:5. Isinugo niya siyang palayo sa kanyang tahanan, Mar. 8:26. Hayaang matuto ang mga bata na magpakita ng paggalang sa loob ng tahanan, 1 Tim. 5:4. Maging mabini, malinis at masinop sa tahanan, Tit. 2:5. Magsiuwi kayo sa inyong mga tahanan at pagbulay-bulayin ang mga bagay na aking sinabi, 3 Ne. 17:2–3. Hinikayat ko sila na makipaglaban para sa kanilang mga asawa, at kanilang mga anak, at kanilang mga tirahan, at kanilang mga tahanan, Morm. 2:23. Inutusan ang mga ama na maging masikap at pagmalasakitan ang tahanan, D at T 93:43–44, 48–50.