Maria Magdalena Isang babae sa Bagong Tipan na naging isang matapat na disipulo ni Jesucristo. Ang Magdalena ay tumutukoy sa Magdala, ang lugar kung saan nagmula ang Maria na ito. Ito ay matatagpuan sa kanlurang pampang ng Dagat ng Galilea. Malapit siya sa krus, Mat. 27:56 (Mar. 15:40; Juan 19:25). Naroon siya sa paglilibing kay Cristo, Mat. 27:61 (Mar. 15:47). Siya ay nasa libingan sa umaga ng pagkabuhay na mag-uli, Mat. 28:1 (Mar. 16:1; Lu. 24:10; Juan 20:1, 11). Si Jesus ay unang nagpakita sa kanya matapos ang kanyang pagkabuhay na mag-uli, Mar. 16:9 (Juan 20:14–18). Pitong demonyo ang lumabas sa kanya, Lu. 8:2.