Jeroboam Sa Lumang Tipan, si Jeroboam ang unang hari ng hilagang bahagi ng nahating Israel. Kasapi siya sa lipi ni Ephraim. Ang masamang si Jeroboam ang nanguna sa paghihimagsik laban sa sambahayan ni Juda at sa mag-anak ni David. Naglagay si Jeroboam ng mga diyus-diyusan para sa mga tao sa Dan at Betel upang sambahin, 1 Hari 12:28–29. Pinagalitan ni Ahias si Jeroboam, 1 Hari 14:6–16. Naaalaala si Jeroboam sa pagdadala ng kakila-kilabot na kasalanan sa Israel, 1 Hari 15:34 (1 Hari 12:30).