Mga Tulong sa Pag-aaral
Sinagoga


Sinagoga

Isang pook na pinagpupulungan na ginagamit para sa mga layuning pangrelihiyon. Noong panahon ng Bagong Tipan, ang kasangkapan kalimitan ay simple, binubuo ng isang kaban na naglalaman ng mga binilot na batas at iba pang mga banal na isinulat, isang mesa sa pagbabasa, at mga upuan para sa mga sumasamba.

Isang lokal na konseho ng mga elder ang namamahala sa bawat sinagoga. Sila ang nagpapasiya kung sino ang dapat papasukin at kung sino ang hindi papapasukin (Juan 9:22; 12:42). Ang pinuno ng sinagoga ang pinakamahalagang opisyal (Lu. 13:14; Mar. 5:22). Kalimitan siya ay isang escriba, nangangalaga ng gusali, at namamahala ng mga pagsamba. Isang katuwang ang gumaganap ng mga tungkulin ng isang escribyente (Lu. 4:20).

Sa bawat bayan kung saan may nakatirang mga Judio ay may isang sinagoga, kapwa sa Palestina at sa ibang dako. Malaking tulong ito sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ni Jesucristo sapagkat ang mga naunang misyonero ng Simbahan ay karaniwang nakapagsasalita sa mga sinagoga (Gawa 13:5, 14; 14:1; 17:1, 10; 18:4). Ang ganito ring kaugalian ay isinasagawa ng mga misyonero sa Aklat ni Mormon (Alma 16:13; 21:4–5; 32:1), gayon din sa mga unang misyonero sa dispensasyong ito (D at T 66:7; 68:1).