Buhay na Tubig Tingnan din sa Jesucristo Isang sagisag ng Panginoong Jesucristo at ng kanyang mga turo. Sapagkat ang tubig ay mahalaga sa pagtataguyod ng pisikal na buhay, ang Tagapagligtas at ang kanyang mga turo (buhay na tubig) ay kinakailangan para sa buhay na walang hanggan. Iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan, Is. 12:3. Kanilang iniwan ako na siyang bukal ng buhay na tubig, Jer. 2:13. Datapwat ang sinumang uminom ng tubig na sa kanya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw, Juan 4:6–15. Kung ang sinumang tao ay nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom, Juan 7:37. Ang gabay na bakal ay nagbibigay-daan patungo sa bukal ng mga buhay na tubig, 1 Ne. 11:25. Malayang makaiinom sa mga tubig ng buhay, D at T 10:66. Ang aking mga kautusan ay magiging balon ng buhay na tubig, D at T 63:23.