Mga Tulong sa Pag-aaral
Nahum


Nahum

Isang propeta sa Lumang Tipan na nagmula sa Galilea na nagsulat ng kanyang mga propesiya sa pagitan ng mga taong 642 at 606 B.C.

Ang aklat ni Nahum

Nasasaad sa kabanata 1 ang pagsunog sa mundo sa Ikalawang Pagparito at ng awa at kapangyarihan ng Panginoon. Sa kabanata 2 ay nasasaad ang pagkawasak ng Ninive, na isang babala ng mangyayari sa mga huling araw. Ipinagpapatuloy sa kabanata 3 ang paghahayag ng malungkot na pagkawasak ng Ninive.