Si Satanas. Ang diyablo ang siyang kaaway ng kabutihan at ng mga yaong nagsisikap gawin ang kalooban ng Diyos. Siya ay literal na espiritung anak ng Diyos at minsan ay isang anghel na may kapangyarihan sa harapan ng Diyos (Is. 14:12; 2 Ne. 2:17). Gayunman, naghimagsik siya bago pa man ang buhay sa mundo at hinikayat ang ikatlong bahagi ng mga espiritung anak ng Ama na maghimagsik sa kanya (D at T 29:36; Moi. 4:1–4; Abr. 3:27–28). Itinapon silang palabas ng langit, pinagkaitan ng pagkakataong magkaroon ng mga katawang lupa at makaranas ng buhay sa mundo, at walang hanggang isinumpa. Magmula nang itapon palabas ng langit ang diyablo, patuloy siya sa paghahangad na malinlang ang lahat ng kalalakihan at kababaihan at ilayo sila mula sa mga gawain ng Diyos upang gawing kaaba-abang katulad niya ang buong sangkatauhan (Apoc. 12:9; 2 Ne. 2:27; 9:8–9).
Ang simbahan ng diyablo
Lahat ng masama at makamundong samahan sa mundo na nagliligaw sa dalisay at ganap na ebanghelyo at kumakalaban sa Kordero ng Diyos.