Paglalaan, Batas ng Paglalaan Tingnan din sa Kaharian ng Diyos o Kaharian ng Langit; Nagkakaisang Orden Pagtatalaga; gawing banal, o maging mabuti. Ang batas ng Plalaan ay isang banal na alituntunin kung saan kusang iniaalay ng mga kalalakihan at kababaihan ang kanilang panahon, talento, at yaman sa pagtatatag at pagtataguyod sa kaharian ng Diyos. Italaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa Panginoon, Ex. 32:29. Lahat ng naniwala ay may pagkakapantay-pantay sa lahat ng bagay, Gawa 2:44–45. Sila ay nagkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng bagay; samakatwid, walang mayaman at maralita, 4 Ne. 1:3. Ipinaliwanag ng Panginoon ang mga alituntunin ng paglalaan, D at T 42:30–39 (D at T 51:2–19; 58:35–36). Ang isang tao ay hindi nararapat na magmay-ari nang higit kaysa sa iba, D at T 49:20. Pinagkalooban ang bawat tao ng pantay na bahagi ayon sa kanyang mag-anak, D at T 51:3. Isang kaayusan ang itinatag upang magkaroon ang mga Banal ng pantay na pagkakabigkis sa mga bagay na nauukol sa langit at lupa, D at T 78:4–5. Kailangang magkaroon ang bawat tao ng pantay na pag-aari alinsunod sa kanyang mga kakulangan at pangangailangan, D at T 82:17–19. Maitatayo lamang ang Sion sa pamamagitan ng mga alituntunin ng batas na selestiyal, D at T 105:5. Ang mga tao ni Enoc ay isa sa puso at isip at namuhay sa kabutihan, at walang maralita sa kanila, Moi. 7:18.