Elder
Ang katawagang elder ay ginagamit sa iba’t ibang paraan sa Biblia. Sa Lumang Tipan, malimit na tumutukoy ito sa mga nakatatandang kalalakihan sa isang lipi, na karaniwang pinagkakatiwalaan ng mga gawain sa pamahalaan (Gen. 50:7; Jos. 20:4; Ruth 4:2; Mat. 15:2). Ang kanilang gulang at karanasan ang nagbibigay halaga sa kanilang payo. Ang kanilang katungkulan ay hindi kinakailangang isang tungkuling pagkasaserdote.
May inordenan ding mga elder sa Pagkasaserdoteng Melquisedec noong panahon ng Lumang Tipan (Ex. 24:9–11). Sa Bagong Tipan, binabanggit ang mga elder bilang isang katungkulan sa pagkasaserdote sa Simbahan (Sant. 5:14–15). May mga naordenan ding elder sa pagkasaserdote sa mga Nephita (Alma 4:7, 16; Moro. 3:1). Sa dispensasyong ito, sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang naordenang mga unang elder (D at T 20:2–3).
Ngayon, ang katawagang elder ang itinatawag sa lahat ng may hawak ng Pagkasaserdoteng Melquisedec. Halimbawa, ang mga kalalakihang misyonero ay tinatawag na mga elder. Gayon din, ang isang Apostol ay isang elder, at angkop lamang na tawagin ang mga kasapi ng Korum ng Labindalawa o Korum ng Pitumpu sa katawagang ito (D at T 20:38; 1 Ped. 5:1). Ibinigay ang mga tungkulin ng mga naordenang elder sa Simbahan ngayon ng paghahayag sa huling araw (D at T 20:38–45; 42:44; 46:2; 107:12).