Pagsagisag
Ang gumamit ng isang bagay bilang isang kawangis o larawan ng ibang bagay. Sa mga banal na kasulatan, ang pagsagisag ay gumagamit ng isang kilalang bagay, pangyayari, o bagay-bagay upang sumagisag sa isang alituntunin o turo ng ebanghelyo. Halimbawa, ang propetang si Alma sa Aklat ni Mormon ay gumamit ng isang binhi upang sumagisag sa salita ng Diyos (Alma 32).
Ang mga propeta sa buong banal na kasulatan ay gumamit ng pagsagisag upang magturo ng tungkol kay Jesucristo. Kabilang sa ilang mga sagisag na ito ang mga seremonya at ordenansa (Moi. 6:63), hain (Heb. 9:11–15; Moi. 5:7–8), ang sakramento (Lu. 22:13–20; PJS, Mar. 14:20–24), at pagbibinyag (Rom. 6:1–6; D at T 128:12–13). Maraming pangalan sa Biblia ang makahulugan. Ang seremonya sa Lumang Tipan sa tabernakulo at sa mga batas ni Moises ay kumakatawan ng mga katotohanang walang hanggan (Heb. 8–10; Mos. 13:29–32; Alma 25:15; Hel. 8:14–15). Para sa iba pang mga halimbawa, Tingnan sa Mateo 5:13–16; Juan 3:14–15; Jacob 4:5; Alma 37:38–45.