Santiago, Kapatid ng Panginoon
Sa Bagong Tipan, kapatid ng Panginoon (Gal. 1:19) at nina Jose, Simon, Judas, at ilang mga kapatid na babae (Mat. 13:55–56; Mar. 6:3; Jud. 1:1). Kilala rin siya bilang Santiago ang Matwid at nanunungkulan ng isang mahalagang tungkulin sa Simbahan sa Jerusalem (Gawa 12:17; 15:13; 1 Cor. 15:7; Gal. 2:9–12). Marahil siya ang sumulat ng sulat ni Santiago.
Ang sulat ni Santiago
Isang aklat sa Bagong Tipan. Orihinal itong sulat na pinatutungkol sa labindalawang lipi ni Israel na ikinalat sa iba’t ibang dako at isinulat marahil sa Jerusalem. Naglalaman ang sulat ng ilang bagay na binanggit nang maliwanag hinggil sa praktikal na relihiyon, kasama ang mahalagang payo sa kabanata 1 na kung ang isang tao ay nagkukulang ng karunungan, dapat siyang humingi ng tulong sa Diyos (Sant. 1:5–6; JS—K 1:9–20). May kaugnayan sa pananampalataya at paggawa ang kabanata 2. Nasasaad sa mga kabanata 3–4 ang kinakailangan upang mapigilan ang dila at pinayuhan ang mga Banal na huwag magsalita ng masama sa isa’t isa. Hinihimok sa kabanata 5 ang mga Banal na magkaroon ng pagtitiis at tawagin ang mga elder para sa pagbabasbas kung maysakit; ito rin ay nagtuturo ng mga pagpapala ng pagtulong sa pagbabalik-loob ng iba.