Buhay Tingnan din sa Buhay na Walang Hanggan; Ilaw, Liwanag ni Cristo Ang temporal at espirituwal na buhay na ginawang umiral sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Inilagay ko sa harapan mo sa araw na ito ang buhay at kabutihan, Deut. 30:15–20. Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay, Awit 16:11. Ang sumusunod sa katwiran ay nakasusumpong ng buhay, Kaw. 21:21. Ang nakasusumpong ng kanyang buhay ay mawawalan nito: at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyon, Mat. 10:39 (Mat. 16:25; Mar. 8:35; Lu. 9:24; 17:33). Ang Anak ng Tao ay hindi pumarito upang wasakin ang buhay ng tao, bagkus ay iligtas sila, Lu. 9:56. Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao, Juan 1:4. Siya na naniniwala sa kanya na nagsugo sa akin ay lumipat na sa buhay mula sa kamatayan, Juan 5:24. Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, Juan 14:6. Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng tao ang lalong kahabag-habag, 1 Cor. 15:19–22. Ang kabanalan ay may pangako sa buhay na ito, at sa darating, 1 Tim. 4:8. Ang ating mga anak ay makaaasa sa buhay na yaon na na kay Cristo, 2 Ne. 25:23–27. Ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao na maghanda sa pagharap sa Diyos, Alma 34:32 (Alma 12:24). Ako ang ilaw at buhay ng sanlibutan, 3 Ne. 9:18 (Mos. 16:9; 3 Ne. 11:11; Eter 4:12). Pinagpala sila na matatapat, sa buhay man o sa kamatayan, D at T 50:5. Ito ang buhay na walang hanggan—na makilala ang Diyos at si Jesucristo, D at T 132:24. Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao, Moi. 1:39.