Kapakanan Tingnan din sa Ayuno, Pag-aayuno; Limos, Paglilimos; Maralita; Pag-aalay; Paglilingkod Ang pamamaraan ng pangangalaga ng espirituwal at temporal na mga pangangailangan ng tao. Buksan mo nga ang iyong kamay sa iyong kapatid, sa dukha at sa nangangailangan sa iyo, sa iyong lupain, Deut. 15:11. Siya na nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat, Kaw. 28:27. Iyan baga ang ayuno na aking pinili? Ang magbahagi ng iyong tinapay sa nagugutom, dalhin sa iyong bahay ang dukha, Is. 58:6–7. Ako’y nagutom at ako’y inyong pinakain; ako’y isang taga-ibang bayan at inyo akong pinatuloy. Yamang inyong ginawa ito sa isa rito sa aking mga pinakaabang kapatid, ito ay ginawa ninyo sa akin, Mat. 25:35–40. Ibahagi ang inyong kabuhayan sa kanya na nangangailangan, Mos. 4:16–26. Nagbahagi sila sa isa’t isa ng pangtemporal at pang-espirituwal alinsunod sa kanilang mga pangangailangan at kakulangan, Mos. 18:29. Inutusan silang magkaisa sa pag-aayuno at panalangin alang-alang sa kapakanan ng mga yaong hindi nakakikilala sa Diyos, Alma 6:6. Manalangin para sa inyong kapakanan at para sa kapakanan ng mga yaong nasa paligid ninyo, Alma 34:27–28. Sila ay nagkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng bagay sa kanila, 4 Ne. 1:3. Alalahanin ang mga maralita, D at T 42:30–31. Dalawin ang mga maralita at nangangailangan, D at T 44:6. Alalahanin sa lahat ng bagay ang mga maralita at nangangailangan, D at T 52:40. Sa aba ninyong mayayaman na hindi nagbibigay ng inyong yaman sa mga maralita, at sa aba ninyong mga maralita na hindi nasisiyahan, na mga sakim at ayaw magpagal, D at T 56:16–17. Sa Sion ay walang mga maralita sa kanila, Moi. 7:18.