Marcos
Sa Bagong Tipan, si Juan Marcos ay anak ni Maria, na naninirahan sa Jerusalem (Gawa 12:12); siya rin marahil ang pinsan (o pamangkin) ni Barnabas (Col. 4:10). Siya ay sumama kina Pablo at Barnabas mula sa Jerusalem sa kanilang unang pangmisyonerong paglalakbay, at iniwan sila sa Perga (Gawa 12:25; 13:5, 13). Nang lumaon, kanyang sinamahan si Barnabas sa Chipre (Gawa 15:37–39). Kasama siya ni Pablo sa Roma (Col. 4:10; Flm. 1:24); at kasama siya ni Pedro sa Babilonia (maaaring sa Roma) (1 Ped. 5:13). Sa huli, kasama siya ni Timoteo sa Efeso (2 Tim. 4:11).
Ang Ebanghelyo ni Marcos
Ang ikalawang aklat sa Bagong Tipan. Ang ebanghelyo ni Marcos ay maaaring isinulat sa ilalim ng tagubilin ni Pedro. Ang kanyang pakay ay ilarawan ang Panginoon bilang Anak ng Diyos na buhay at kumikilos sa kalipunan ng tao. Inilalarawan ni Marcos, nang may sigla at kababaang-loob, ang impresyong nilikha ni Jesus sa mga manonood. Isinasaad ng tradisyon na pagkamatay ni Pedro, dumalaw si Marcos sa Egipto, itinayo ang Simbahan sa Alexandria, at namatay na martir.
Para sa buod ng kabanata, Tingnan sa Ebanghelyo, Mga.