Walang Kapatawarang Kasalanan Tingnan din sa Anak na Lalaki ng Kapahamakan, Mga; Espiritu Santo; Lapastangan, Kalapastangan; Pagpaslang Ang pagkakasala ng pagtatatwa sa Espiritu Santo, isang kasalanan na hindi mapatatawad. Ang paglapastangan laban sa Espiritu Santo ay hindi ipatatawad sa mga tao, Mat. 12:31–32 (Mar. 3:29; Lu. 12:10). Hindi mangyayari para sa mga yaong nakalasap ng Espiritu Santo na baguhin silang muli ng pagsisisi, Heb. 6:4–6. Kung sinasadya nating magkasala pagkatapos na makatanggap tayo ng kaalaman ng katotohanan, ay wala ng sakripisyong natitira pa para sa mga kasalanan, Heb. 10:26. Kung iyong itatatwa ang Espiritu Santo at alam mo na itinatwa mo ito, ito ay isang kasalanan na walang kapatawaran, Alma 39:5–6 (Jac. 7:19). Wala silang kapatawaran, na itinakwil ang Bugtong na Anak, na ipinako siya sa kanilang sarili, D at T 76:30–35. Ang paglapastangan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran, na siyang pagpapadanak ng walang malay na dugo pagkatapos ninyong tanggapin ang aking bago at walang hanggang tipan, D at T 132:26–27.