Mga Tulong sa Pag-aaral
Eclesiastes


Eclesiastes

Isang aklat sa Lumang Tipan na naglalaman ng mga pananaw sa ilang mga pinakamabibigat na suliranin sa buhay.

Ang may-akda ng aklat, ang mangangaral, ay isinulat ang karamihan sa aklat ang pananaw ng mga yaong walang pang-unawa sa ebanghelyo. Isinulat niya ang naaayon sa nadarama ng mga tao sa daigdig—na, nasa “ilalim ng araw” (Ec. 1:9). Karamihan sa nilalaman ng aklat ay halos negatibo at pesimista (Ec. 9:5, 10). Hindi ito ang ibig ng Panginoon na maging pananaw natin sa buhay datapwat kung paano napansin ng mangangaral ang mga bagay na tila gumugulo sa mga tao sa mundo. Nasa mga kabanata 11 at 12 ang pinaka-espirituwal na bahagi ng aklat, kung saan nagpasiya ang manunulat na ang tanging bagay na may kahalagahang walang katapusan ay pagsunod sa mga kautusan ng Diyos