Kaluwalhatiang Telestiyal Tingnan din sa Antas ng Kaluwalhatian, Mga Ang pinakamababa sa tatlong antas ng kaluwalhatian kung saan mananahanan ang mga tao pagkatapos ng huling paghuhukom. Nakita ni Pablo ang kaluwalhatian ng mga bituin, 1 Cor. 15:40–41. Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang kaluwalhatiang telestiyal, D at T 76:81–90. Ang mga naninirahan sa daigdig na telestiyal ay hindi mabilang gaya ng mga bituin, D at T 76:109–112. Siya na hindi magagawang sumunod sa batas ng isang kahariang telestiyal ay hindi maaaring manahan sa kaluwalhatiang telestiyal, D at T 88:24, 31, 38.