Woodruff, Wilford Tingnan din sa Manifesto; Opisyal na Pahayag—1 Ang ikaapat na Pangulo ng Simbahan kasunod ng panunumbalik ng ebanghelyo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Siya ay isinilang noong 1807 at namatay noong 1898. Tinawag na manungkulan sa Kapulungan ng Labindalawa, D at T 118:6. Kabilang sa mga piling espiritu na inilaang isilang sa kaganapan ng panahon, D at T 138:53. Nakatanggap ng paghahayag na itigil ang maramihang pagpapakasal sa Simbahan, D at T OP—1.