Ahas, Tansong
Isang ahas na tanso na ginawa ni Moises sa utos ng Diyos upang pagalingin ang mga Israelita na nakagat ng mababagsik na ahas (makamandag na ahas) sa ilang (Blg. 21:8–9). Ipinatong ang ahas na tanso sa isang tikin at “itinaas upang sinuman ang tumingin ay mabubuhay” (Alma 33:19–22). Tinukoy ng Panginoon ang pagtataas ng ahas sa ilang bilang isang sagisag niya na itataas sa krus (Juan 3:14–15). Ang paghahayag sa huling araw ay nagpapatunay ng ulat tungkol sa mababagsik na ahas at kung paano napagaling ang mga tao (1 Ne. 17:41; 2 Ne. 25:20; Hel. 8:14–15).