Dambana Tingnan din sa Hain Isang yaring bagay na ginagamit para sa paghahain, paghahandog, at pagsamba. Nagtayo si Noe ng dambana sa Panginoon at nag-alay ng mga handog na susunugin, Gen. 8:20. Nagtayo si Abram ng dambana sa Panginoon, Gen. 12:7–8. Iginapos ni Abraham si Isaac na kanyang anak sa dambana, Gen. 22:9 (Gen. 22:1–13). Nagtayo si Jacob doon ng dambana at tinawag ang lugar na El-beth-el, Gen. 35:6–7. Nagtayo si Elijah ng dambana at hinamon ang mga saserdote ni Baal, 1 Hari 18:17–40. Kung ihahandog mo ang iyong hain sa dambana, makipagkasundo muna sa iyong kapatid, Mat. 5:23–24. Nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa nila na mga pinatay dahil sa salita ng Diyos, Apoc. 6:9 (D at T 135:7). Nagtayo si Lehi ng dambanang bato at nagbigay-pasalamat sa Panginoon, 1 Ne. 2:7. Iniligtas si Abraham mula sa kamatayan sa dambana ni Elkenah, Abr. 1:8–20.