Hosana
Isang salita mula sa Hebreo na nangangahulugang “mangyari pong iligtas kami” at ginagamit sa pagpupuri at pagsasamo.
Sa Pista ng mga Tabernakulo, na ipinagdiriwang ang pagkakaligtas ng Panginoon sa Israel patungo sa lupang pangako, inawit ng mga tao ang mga salita sa Awit 118 at iwinawagayway ang mga sanga ng palaspas. Sa matagumpay na pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem, nagsigawan ang maraming tao ng “Hosana” at inilatag ang mga sanga ng palaspas para kay Jesus upang daanan, sa gayon ipinakikita ang kanilang kaalaman na si Jesus ang siya ring Panginoon na nagligtas sa Israel noong unang panahon (Awit 118:25–26; Mat. 21:9, 15; Mar. 11:9–10; Juan 12:13). Nakilala ng mga taong ito si Cristo bilang ang pinakahihintay na Mesiyas. Ang salitang Hosana ay naging pagdiriwang sa Mesiyas sa lahat ng panahon (1 Ne. 11:6; 3 Ne. 11:14–17). Kabilang ang sigaw na hosana sa pagtatalaga ng Templo ng Kirtland (D at T 109:79) at bahagi ngayon sa pagtatalaga ng mga makabagong templo.