Escriba
Ginagamit ng mga Luma at Bagong Tipan ang salitang ito nang may bahagyang pagkakaiba: (1) Sa Lumang Tipan, ang pangunahing tungkulin ng isang escriba ay sipiin ang mga banal na kasulatan (Jer. 8:8). (2) Madalas banggitin sa Bagong Tipan ang mga escriba at kung minsan ay tinatawag na mga mananangol o doktor ng batas. Isa-isa nilang pinaunlad ang batas at ginagamit ito sa mga pangyayari ng kanilang panahon (Mat. 13:52; Mar. 2:16–17; 11:17–18; Lu. 11:44–53; 20:46–47)