Mga Tulong sa Pag-aaral
Tabernakulo


Tabernakulo

Ang bahay ng Panginoon, ang sentro ng pagsamba ng Israel noong naglakbay sila mula sa Egipto. Katunayan ang tabernakulo ay isang nadadalang templo at maaaring paghiwa-hiwalayin at muling buuin. Gumamit ng isang tabernakulo ang mga anak ni Israel hanggang sa naitayo nila ang templo ni Solomon (D at T 124:38).

Inihayag ng Diyos kay Moises ang tutularan ng tabernakulo (Ex. 26–27), at itinayo ito ng mga anak ni Israel alinsunod sa yaong tutularan (Ex. 35–40). Nang natapos na ang tabernakulo, isang alapaap ang bumalot sa tolda, at pinuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang tabernakulo (Ex. 40:33–34). Ang alapaap ay isang palatandaan ng pagkakadalo ng Diyos. Sa gabi, mayroon itong anyo ng isang apoy. Kapag nanatili ang alapaap sa ibabaw ng tolda, nagtatayo ng tolda ang mga anak ni Israel. Kapag gumagalaw ito, kumikilos silang kasama nito (Ex. 40:36–38; Blg. 9:17–18). Kasamang dinala ng mga anak ni Israel ang tabernakulo sa panahon ng kanilang paglalakbay sa disyerto at sa pananakop nila sa lupain ng Canaan. Pagkaraan ng pananakop na yaon, inilagay ang tabernakulo sa Silo, ang piniling pook ng Panginoon (Jos. 18:1). Matapos itayo ng mga anak ni Israel ang templo ni Solomon, ang tabernakulo ay hindi na muling nabanggit pa sa kasaysayan.

Ginamit ng Panginoon at ni Isaias ang tabernakulo bilang sagisag ng mga lunsod ng Sion at Jerusalem sa panahon ng ikalawang pagparito ng Panginoon (Is. 33:20; Moi. 7:62).