Saksi Tingnan din sa Patotoo Isang pahayag o iba pang katibayan na ang isang bagay ay totoo; isang patotoo. Ang isang saksi ay maaari ring isang tao na nagbibigay ng pahayag o katibayan na nababatay sa pansariling kaalaman; ibig sabihin, isang taong nagpapatotoo. Huwag kang magbibintang sa iyong kapwa, Ex. 20:16. Ipangangaral ang ebanghelyo sa buong daigdig sa pagpapatotoo sa lahat ng bansa, Mat. 24:14 (JS—M 1:31). Kayo’y magiging mga saksi ko, Gawa 1:8. Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, Rom. 8:16 (1 Juan 5:6). Kayo ay nahahandang tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon, Mos. 18:8–9. Nakikibahagi tayo ng sakramento upang sumaksi sa Ama na susundin natin ang mga kautusan at aalalahanin sa tuwina si Jesus, 3 Ne. 18:10–11 (Moro. 4, 5; D at T 20:77–79). Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya, Eter 12:6. Batas ng mga pagsaksi: sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang bawat salita ay mapagtitibay, D at T 6:28 (Deut. 17:6; Mat. 18:16; 2 Cor. 13:1; Eter 5:4; D at T 128:3). Pinaordenan ko kayo upang maging mga Apostol at natatanging saksi sa aking pangalan, D at T 27:12 (D at T 107:23). Ang Pitumpu ay tinawag upang maging mga natatanging saksi sa mga Gentil at sa buong daigdig, D at T 107:25. Magkaroon ng tagapagtala, at siya ang maging saksi sa inyong mga pagbibinyag, D at T 127:6 (D at T 128:2–4).