Mga Tulong sa Pag-aaral
Timoteo, Mga Sulat Kay


Timoteo, Mga Sulat Kay

Dalawang aklat sa Bagong Tipan. Mga kapwa orihinal na liham na isinulat ni Pablo kay Timoteo.

Unang Timoteo

Isinulat ni Pablo ang kanyang unang sulat pagkatapos ng kanyang unang pagkabilanggo. Iniwan niya si Timoteo sa Efeso, binabalak pagkatapos na magbalik (1 Tim. 3:14). Gayunpaman, nadama ni Pablo na maaari siyang mabalam, kaya sumulat siya kay Timoteo, marahil mula sa Macedonia (1 Tim. 1:3), upang bigyan siya ng payo at lakas ng loob sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin.

Nilalaman ng kabanata 1 ang pagbati ni Pablo at gayon din ang kanyang mga tagubilin tungkol sa mga hangal na haka-haka na naghahanap ng kanilang landas patungo sa Simbahan. Nagbibigay ang mga kabanata 2–3 ng mga tagubilin hinggil sa pangkalahatang pagsamba at hinggil sa pagkatao at pamamahala ng mga guro. Nilalaman ng mga kabanata 4–5 ang isang paglalarawan ng lubusang pagtalikod sa katotohanan sa huling araw at isang pagpapayo kung paano pakikitunguhan ang mga yaong kanyang pinamumunuan. Ang kabanata 6 ay isang masidhing panghihikayat na patunayan ang pagiging matapat at iwasan ang mga yaman sa mundo.

Ikalawang Timoteo

Isinulat ni Pablo ang kanyang pangalawang sulat sa panahon ng kanyang ikalawang pagkabilanggo, konting panahon lamang bago ang kanyang kamatayan. Naglalaman ito ng mga huling salita ng Apostol at nagpapakita ng kahanga-hangang katatagan at pagtitiwalang kasama niya sa pagharap sa kamatayan.

Nilalaman ng kabanata 1 ang pagbati ni Pablo at tagubilin kay Timoteo. Nagbibigay ang mga kabanata 2–3 ng maraming babala at tagubilin, kalakip ang paghamon na harapin ang mga panganib na darating. Ang kabanata 4 ay isang mensahe sa mga kaibigan ni Pablo, naglalaman ng payo kung paano pakikitunguhan ang mga taong tumiwalag.