Ang mga batas at hinihingi ng Diyos na ibinibigay sa sangkatauhan, isahan man o pangkalahatan. Ang pagsunod sa mga kautusan ay magdadala ng mga pagpapala ng Panginoon sa mga masunurin (D at T 130:21 ).
Ginawa ni Noe ang naaayon sa lahat ng ipinag-utos ng Diyos sa kanya, Gen. 6:22 .
Lumakad sa aking mga tuntunin, at sundin ang aking mga kautusan, Lev. 26:3 .
Sundin ang aking mga kautusan, at mabuhay, Kaw. 4:4 (Kaw. 7:2 ).
Kung ako ay inyong iniibig, sundin ninyo ang aking mga kautusan, Juan 14:15 (D at T 42:29 ).
Anuman ang ating hingin, ay tinatanggap natin mula sa kanya, sapagkat sinusunod natin ang kanyang mga kautusan, 1Â Juan 3:22 .
Ang kanyang mga kautusan ay hindi mabibigat, 1Â Juan 5:3 .
Maging matatag sa pagsunod sa mga kautusan, 1Â Ne. 2:10 .
Ang Panginoon ay hindi nagbibigay ng mga kautusan maliban sa siya ay maghahanda ng paraan, 1Â Ne. 3:7 .
Kinakailangan kong gawin ang naaalinsunod sa mahigpit na ipinag-uutos ng Diyos, Jac. 2:10 .
Habang sinusunod ninyo ang aking mga kautusan, kayo ay uunlad sa lupain, Jar. 1:9 (Alma 9:13 ; 50:20 ).
Matuto sa iyong kabataan na sumunod sa mga kautusan ng Diyos, Alma 37:35 .
Hindi ko batid, maliban sa iniutos sa akin ng Panginoon, Moi. 5:6 .
Susubukin ng Panginoon ang mga tao upang makita kung gagawin nila ang lahat ng ipag-uutos niya sa kanila, Abr. 3:25 .