Puso Tingnan din sa Bagbag na Puso; Isilang na Muli, Isinilang sa Diyos Isang sagisag ng kaisipan at kalooban ng tao at ang matalinhagang pinagmumulan ng lahat ng damdamin at pakiramdam. Ibigin ang Panginoon mong Diyos nang iyong buong puso, Deut. 6:5 (Deut. 6:3–7; Mat. 22:37; Lu. 10:27; D at T 59:5). Humahanap ang Panginoon ng isang tao ayon sa kanyang sariling puso, 1 Sam. 13:14. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso, 1 Sam. 16:7. Siya na may malilinis na mga kamay at may dalisay na puso ay aakyat sa burol ng Panginoon at pagpapalain, Awit 24:3–5 (2 Ne. 25:16). Tulad ng iniisip ng isang tao sa kanyang puso, ay siya gayon, Kaw. 23:7. Ibabalik-loob ni Elijah ang mga puso ng mga ama sa kanilang mga anak, at ang mga puso ng mga anak sa kanilang mga ama, Mal. 4:5–6 (Lu. 1:17; D at T 2:2; 110:14–15; 138:47; JS—K 1:39). Pinagpala ang lahat ng may dalisay na puso, Mat. 5:8 (3 Ne. 12:8). Nangungusap ang isang tao mula sa kabutihan o kasamaan ng kanyang puso, Lu. 6:45. Sundin ang Anak nang may buong layunin ng puso, 2 Ne. 31:13. Kayo ba ay espirituwal na isinilang sa Diyos at naranasan ang malaking pagbabago sa inyong mga puso? Alma 5:14. Iaalay bilang pinaka-hain sa Panginoon ang bagbag na puso at nagsisising Espiritu, 3 Ne. 9:20 (3 Ne. 12:19; Eter 4:15; Moro. 6:2). Sasabihin ko sa iyo sa iyong isip at sa iyong puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo, D at T 8:2.