Masama, Kasamaan Tingnan din sa Kadiliman, Espirituwal na; Kasalanan; Kawalang-katwiran, Hindi Matwid; Makasalanan; Marumi, Karumihan Hindi mabuti, kasamaan; pagiging suwail sa mga kautusan ng Diyos. Paano ngang aking magagawa itong malaking kasamaan at kasalanan laban sa Diyos? Gen. 39:7–9. Ang Panginoon ay malayo sa masasama: ngunit kanyang dinidinig ang dalangin ng mga matwid, Kaw. 15:29. Kapag ang masama ang namumuno, ang bayan ay nagdadalamhati, Kaw. 29:2 (D at T 98:9). Alisin na ninyo sa inyo ang masasamang tao, 1 Cor. 5:13. Nakikibaka tayo laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dakong mataas, Ef. 6:12. Humiwalay kayo sa masasama, at huwag hipuin ang kanilang maruruming bagay, Alma 5:56–57 (D at T 38:42). Ito ang pangwakas na kalagayan ng masasama, Alma 34:35 (Alma 40:13–14). Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan, Alma 41:10. Sa pamamagitan ng masasama na ang masasama ay pinarurusahan, Morm. 4:5 (D at T 63:33). Sa oras na yaon darating ang lubusang paghihiwalay ng mabubuti at ng masasama, D at T 63:54. Sa gayon darating ang katapusan ng masasama, JS—M 1:55.